Ano ang kwentong USTET mo?
. Ano ang kwentong USTET(University of Santo Tomas Entrance Test) mo Since elementary alam ko na, sa UST ako mag aaral. “The Royal Pontifical Catholic University of the Philippines”, yan ang marka ng pamantasan kung saan ako nagtapos. Tinatak na ng magulang ko sa akin na dito ako mag aaral. At nung makita ko rin naman ang UST sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganda ng campus. Tila ba wala ka sa Pilipinas. Kumuha rin naman ako ng exam sa ibang university, sa Lasalle at sa UP pero naka tuon ang interes ko sa paaralang ito. Masasabi kong di hamak na mas madali ang exam ng UST kesa sa La Salle at UP. Medical Technology at Nursing ang nilista kong kurso. Sa kasamaang palad. Hindi ako nagqualify sa pareho. Mataas ang quota sa parehong kursong. Eto kasi ang karaniwan sa mga kursong talagang sinasala ang mga estudyante dahil hindi biro ang pagsasanay na gagawin sayo. Tinago ko ito. Hiyang hiya ako dahil dito ko gusto mag aral at umaasa ang mga magulang ko na dito nila ako ma...