Ano ang kwentong USTET mo?

.




Ano ang kwentong USTET(University of Santo Tomas Entrance Test) mo Since elementary alam ko na, sa UST ako mag aaral. “The Royal Pontifical Catholic University of the Philippines”, yan ang marka ng pamantasan kung saan ako nagtapos. Tinatak na ng magulang ko sa akin na dito ako mag aaral. At nung makita ko rin naman ang UST sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganda ng campus. Tila ba wala ka sa Pilipinas. Kumuha rin naman ako ng exam sa ibang university, sa Lasalle at sa UP pero naka tuon ang interes ko sa paaralang ito. Masasabi kong di hamak na mas madali ang exam ng UST kesa sa La Salle at UP. Medical Technology at Nursing ang nilista kong kurso. Sa kasamaang palad. Hindi ako nagqualify sa pareho. Mataas ang quota sa parehong kursong. Eto kasi ang karaniwan sa mga kursong talagang sinasala ang mga estudyante dahil hindi biro ang pagsasanay na gagawin sayo. Tinago ko ito. Hiyang hiya ako dahil dito ko gusto mag aral at umaasa ang mga magulang ko na dito nila ako makikitang gagraduate. “Did not qualify” hindi ako tanggap. Kulang ako. Hindi ako sapat para maka pasok. Hindi ako pang UST! Masakit eh.

Pero hindi. Hindi pa tapos ang laban. Hindi man ako magaling sa entrance exam may isa pa akong bala. May isa pa akong laban. At ngayon gagamitin ko naman ang tiyaga at diskarte ko. Pabalik balik ako sa UST nung mga panahon na ito. Nagaabang sa Med Tech kung may hindi tutuloy sa pagpasok. Baka sakaling makasingit ako. Umulan o Umaraw sumasadya ako sa UST. Dito ko kasi talaga gusto eh. Alam kong para sa akin ito. Dumating ang panahong parang wala na talaga. Isipin mo, hindi ako nag try sa ibang school. Wala akong pakealam. Alam kong makakapasok ako sa UST. Sapilitan na to. May 5, tandang tanda ko ang araw na sinabi sa akin ng receptionist sa Faculty of Pharmacy- MedTech na sarado na ang slots nila. Gumuho ang mundo ko mga beh. Pero iba talaga ang kapangyarihan ng dasal. Isama mo pa ang makulit mong nanay Mama: Oliber! wag ka umiyak jan. Saan ba ang building ng Nursing. Mag Nurse ka. Pumunta tayo doon baka meron pa. Ako ang makikipag usap. At yun nga. Pag punta namin sa College of Nursing buong giliw kaming sinalubong ni Ms. Maila. Sinabi niyang may slots pa at isschedule nya ako ng interview. Isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Napaka saya. At pagtapos ng interview na yun, sigurado na ako. Tomasino na ako. Ngayon, nakakatuwang isipin na Nurse na ako. Registradong Nurse. May mataas na marka pa sa board exam. Samantala noon ni hindi ka nga makapasa sa unibesidad na gusto mo. Isang paalala lamang ito sa atin na hindi dahil pangit ang naging umpisa eh pangit na rin ang magiging takbo ng lahat. Noong panahon na di ako pumasa sa entrance exam pwede ko isipin “nako baka hindi talaga ako para dito” o kaya naman “baka di ako para maging nurse talaga”. Hindi dahil di mo nakuha sa isang subok lang eh hihintuan mo na. Laban lang ng laban. Dahil hanggat hindi ka tumitigil at sumusuko iyo pa rin pangarap mo. Alam kong hindi lang ako ang nakaranas ng ganito. Ikaw ba? Ano ang kwentong entrance exam mo?

Comments

Popular posts from this blog

How to Makati Medical Center 101 Part 1 : CARE training

Trust your own pace, believe in your own timeline

How to ace the Nursing Board Exam : The Thomasian way.