“Kapag para sayo, Para sayo talaga” Isa sa mga bagay na di ko na masyadong pinaniniwalaan. May mga pangarap tayong lahat. At ilan sa mga pangarap na yun parang ang hirap abutin. Sa proseso ng pag abot sa pangarap na yun mapapagod ka, magsasawa at mawawalan ng gana. Darating sa pagkakataon na sasabihin mo “hayaan mo na, kung para sa akin, para sa akin talaga”. Pero naisip mo ba? Paano magiging sa iyo kung susukuan mo na. Paano magiging iyo kung hindi mo paghihirapan? Naniniwala akong wala naman talagang sa atin. Sa umpisa wala tayong pinanghahawakan, lahat ay pangarap lang. Lahat ay pagaasam lang. Maguumpisa tayong may panghawakan o magkaroon ng atin kapag nagumpisa na natin paghirapan at ipaglaban kung ano mang gusto natin. Hindi tayo pwedeng umasa lang sa “kung para sa akin, para sa akin”. Unfair yan sa iba. Sa iba na araw araw bumabangon, nagttrabaho at nagsisikap kahit hindi sigurado kung para sa kanya nga talaga. “kung para sa akin, para sa a...
Posts
Showing posts from March, 2018