“Kapag para sayo, Para sayo talaga”
Isa sa mga bagay na di ko na masyadong pinaniniwalaan. May mga pangarap tayong lahat. At ilan sa mga pangarap na yun parang ang hirap abutin. Sa proseso ng pag abot sa pangarap na yun mapapagod ka, magsasawa at mawawalan ng gana. Darating sa pagkakataon na sasabihin mo “hayaan mo na, kung para sa akin, para sa akin talaga”. Pero naisip mo ba? Paano magiging sa iyo kung susukuan mo na. Paano magiging iyo kung hindi mo paghihirapan?
Naniniwala akong wala naman talagang sa atin. Sa umpisa wala tayong pinanghahawakan, lahat ay pangarap lang. Lahat ay pagaasam lang. Maguumpisa tayong may panghawakan o magkaroon ng atin kapag nagumpisa na natin paghirapan at ipaglaban kung ano mang gusto natin.
Hindi tayo pwedeng umasa lang sa “kung para sa akin, para sa akin”. Unfair yan sa iba. Sa iba na araw araw bumabangon, nagttrabaho at nagsisikap kahit hindi sigurado kung para sa kanya nga talaga.
“kung para sa akin, para sa akin talaga”, hindi! Hindi ka magiging kung sino man ang gusto mo maging kung aasa sa ka ganyang mentalidad. Di mangyayari yan kung steady ka lang kasi naniniwala ka sa kasabihang yun. Kailangan mong ibigay lahat ng kaya mo. Hindi pwedeng nag aalangan. Kailangan mong ipakita sa mundo na handa ka na para sa kung ano man ang gusto mo marating.
Minsan kahit hindi naman talaga naka laan para sa iyo nakikita ng nasa taas kung gaano mo ka gusto. Kung gaano mo pinaghihirapan. Kung gaano mo pinagdadasal. At mula doon, ibibigay niya sayo. Di dahil naka reserve para sayo, dahil nga diba sabi nila “kung para akin,para sa akin talaga” pero dahil deserve mo.
Kaya ako, ang mas pinaniniwalaan ko yung "Para maging akin, paghihirapan ko."
Walang darating ng libre, walabg darating ng hindi mo pinaghihirapan. Kailangan mo kumilos.
Comments
Post a Comment