Battle of the Milk tea 2018





Battle of the Milk Tea 2018

Milk tea craze. Yeah, hindi na bago to so do not act so cool. Carrying your large cup of milktea while looking at everyone like “hey! look, milk tea im cool”. Haha bat ako galit. Haha

So eto na nga. Since 2009, milk tea has been in the circulation already. Yes, it is around the UBelt that early. The first one that I have tasted was “Simple Life”.  And from there it never stopped. Mas marami na atang milktea sa katawan ko kesa dugo. 

I actually made a blog about my Top 5 Milk tea back in 2012. So I am creating a new one to compare. Kasi diba ang daming bago at ang daming pa cool. HAHAHA bat ako galit. 


Top 5




Infinitea

Pros: Mura ang infinitea compared sa ibang established brands. Masarap at marami ang selection nila. May fruit tea, frappe and the classic milk tea. Favorite ko yung Dark Cocoa Milk tea nila. Kapag may extra money pinapa lagyan ko ng salted cream para sosyal like that. Haha. May nachos din sila pero diba bat natin pag uusapan eh ang issue natin dito eh yung milk tea

Cons: Mejo matigas ang pearls. Ewan ko kung nagtitipid sila sa gas or sinusubok nila yung tibay ng ipin ko. Ewan ko lang baka yung branch lang sa amin.

Price range - 90-140 pesos (ay wow nakaka food blogger)



Top 4


CoCo

Pros: Gulat kayo no?! Wampake sa feeling niyo. Buti nga nasa top 5 eh. Masarap naman talaga. Wag natin itanggi yan. Lalo na yung Panda Milk tea na may resemblance sa frog eggs yung pearl. May ibang lasa yung milktea base at yung pearl malambot. Hindi malalaki so pwede mo nguyain ng pa cute lang. 

Cons: Hmm nothing special eh. Siguro, tama kasi ang timpla talaga. At yung pearls nga masarap. Pero para pumila sila sa SM Manila ng ganun kahaba? Luh? bakit? May pa jacket ba jan. Pero kaligayahan nila yun so sige, pila lang kayo. With the price range ng CoCo, you can get something cheaper na masarap.

Panda Milk Tea- 100 pesos.


Top 3

Gong Cha

Pros: Hindi po eto yung kanta ng Pussycat Dolls. Pero eto yung milktea na title holder na for me since 2012, dun nga sa una kong blog. Alam naman na natin na masarap ang Gong cha so no need for me to explain. Ang favorite ko ngayon eh yung Milk Tea with pearl nila. Malapit sa Coco panda milk tea yung lasa basta have it 70% sweet. Yan ah nagpa life hacks pa ako. Bumaba ang ranking niya sa akin kasi parang hindi consistent eh. Ang paborito ko before eh yung Gong cha milk allisan with pudding.

Cons: Pero parang lately ang tabang na. Kilala ko Gong Cha eh. Hindi sila yung milk tea na pinapatay sa tamis yung drink. So im sure na hindi lang dahil sa tamis yung kulang. So ayun from top 1 nung 2018 top 3 na lang

Milk tea with pearl- 95 lang large na yan may pearl na rin


Top 2

D Cream.

Pros: Underrated ang milktea na ito. Guys, you’re missing a lot in milk tea kapag di mo kilala ang “Golden Sun with pearl”. Parang akong dinadala ng milktea na to 4-5 years ago. Daming feels ng milktea na to. Mura at masarap ang add ons. Budget milk tea na hindi butas bulsa. May coffee and cakes din sila. Masarap din ang mga kape nila

Cons: Sabi nung iba matamis daw masyado. Kaya nga may sweetness level eh. Bawasan mo! Para kang si Rufa Mae eh laging todo na to kasi. Nag wowonder din pala ako ang Giant size sa Lasalle area 95 with pearl. Sa St. Paul Manila area 75 with pearl. Sa UST area 65 with pearl. May issue sa pricing? Are you implying something? HAHAHA joke lang.

Chocolate Milktea 70% sweet lang tas less ice guys. Ang sarap! parang tablea na milktea pa rin ang lasa.


Top 1

Simple Line


Pros: eto yung milktea na parang si Donnalyn Bartolome, Kakaibabe. Simple walang arte. Yung milk tea na to yung parents ng lahat ng milk tea. Yung lasa niya eh authentic. Hindi pinatay sa tamis yung milk tea. You can still taste the tea. Which is mahalaga para sa akin. Masarap din ang mga add ons nila. At ang pinaka mahalaga eh sobrang affordable. 40-110 ang range ng prices nila. Eto ang pinaka unang milk tea na natikman ko and never nagbago. Napaka rami kong good memories talaga sa milk tea na to. Simple siya. Sabi nga ng pangalan niya.

Cons: konti ang branches nila, kaya hindi ma access ng iba. Sobrang underrated tuloy. Pero para sa akin mas ok na yung ganun para di ma exploit ang favorite milk tea ko.



*Credits to the owner of the milk tea photos

Comments

Popular posts from this blog

How to Makati Medical Center 101 Part 1 : CARE training

Trust your own pace, believe in your own timeline

How to ace the Nursing Board Exam : The Thomasian way.